
Binabagtas niya ang daang mabato… liko-liko… magulo…
Ninais niyang huminto…
Pansamantalang itigil ang mga binting namimintig sa paglalakbay…
Ngunit sa naising mamahinga… ang mga paa’y kusang lumalakad…
Patungo sa daang walang nakakaalam…
Pilit pinipigilan ang pag-usad…
Ang bawat hakbang ay nagbibigay ng hinanakit sa buong katawan…
Ngunit patuloy nitong binabagtas ang daan tungo sa kawalan…
Unti-unti…
Dahan-dahan…
Palayo…
Isang paalam.
* * *
I was on my way home… silence was my only music… and these words just came rushing in.
Advertisement